Just Watch!

Art Less Slideshow: Adia’s trip to Manila, National Capital Region, Philippines was created by TripAdvisor. See another Manila slideshow. Create your own stunning slideshow with our free photo slideshow maker.
Art Less Slideshow: Adia’s trip to Manila, National Capital Region, Philippines was created by TripAdvisor. See another Manila slideshow. Create a free slideshow with music from your travel photos.

EIS

EIS
artless

Friday, October 19, 2012

I Shot my Head

In the event of daily execution,
a mass grave of innocent people
for killing is the best
for one's life restoration,
and the cries became music
for vengeance is always an option,
royal blood turns red
rising up the hunger for domination...

and it is necessity to the world
because of the cycle called...

hatred and change!

silence...

and the only weapon we have is
PRAYER...

ArtLess

I'll be BACK

For now,
I don't have much time
creating post.
But one thing for sure,
I'll be back...

I wanna post my art

here at my blog.
I want to fulfill
my frustration.

See ya!

ArtLess


Saturday, March 10, 2012

sa pagpili mo bilang malaya,
kalayaan din ang iyong matatamo.
hindi mo maikukulong ang sarili mo
sa paniniwalang kinakapitan mo.

I have to thank some of those people who believes in me,
who believe that I can do anything,
I have the willingness,
and I am worthy.
Haha! And for those people who don't believe in me,
I can't blame you,
you have your own eyes,
you have your own way of looking at me.
I am doing this,
not only for myself,
this is an investment of my life,
so what ever happens,
I the one who only benefit on what I am going to choose.
So this is me,
for who I am,
if you can't accept me at my worst,
then you don't deserve me at my best,
though.


I can be whatever you want, just be yourself :) so do I!

Tuesday, February 14, 2012

I plan to work with this blog,
but to think that I am going to be happy with this kind of activity,
haha maybe!

Kind of weird for me to create a blog like this,
but this blog represents my personality.
I'm going to create a thing that I didn't even know what will going to happen,
let the time finish and tell the result.
But I believe that this blog will soon change my attitude, how will it happen?
I don't know...

I have different way of thinking, different way of accepting.
Don't judge easy, because it taste good for you,
delicious, yet that's not the real recipe.
feed your mind, asking is not a sin.

So, I am going to start this blog seriously.

I'm a Filipino, that's why I used English.
haha WHATEVER!

Friday, January 20, 2012

Tuesday, January 17, 2012

Sinulog Festival

isa sa pinaka-magandang
Festival Event sa
Pilipinas!
Sinulog Rocks!!!
Pit Seinyor
Viva Sto. NiƱo

Bilnuran - Mathematics

Saturday, January 14, 2012

Sand Dunes sa Ilocos Norte!


Papansinin mo pa yung mga kasiraan ng bansa,
Ito na lang, ilathala ang kanyang ganda!

-Dagitab - Electricity

Tuesday, January 10, 2012

Tapunan ng Lingap

Sumandaling dinggin itong karaingan
Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
Malaong panahon na nahahandusay
Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,
Ang tapang at dangal na dapat gugulin?
Sa isang matuwid na kilala natin
Ay huwag ang gawang pagtataksil.

At ating lisanin ang dating ugali
Na ikinasira ng taas ng uri,
Ang bayang Tagalog ay may asa dili
Ang puring nilupig ng bakang maputi.

Aanhin ang yama’t mga kapurihang
Tanawin ng tao at wikang mainam
King mananatili ina nating Bayan
Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan?

Kaya nga halina, mga kaibigan,
Kami ay tulungang ibangon sa hukay
Ang inang nabulid sa kapighatian
Nang upang magkamit ng kaligayahan.

Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak
Sa mga balita ng Kastilang uslak;
Ugali ng isang sa tapang ay salat
Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.

At huwag matakot sa pakikibaka
Sa lahing berdugo na lahing Espanya;
Nangaririto na para mangga-g*g*,
Ang ating sarili ibig pang makuha.

Sa Diyos manalig at huwag pahimok
Sa kaaway natin na may loob hayop,
Walang ginagawa kundi ang manakot
At viva nang viva’y sila rin ang ubos.

Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,
Diyos na poon ko’y huwag ipagkait
Sa mga anak mong napatatangkilik
Nang huwag lumbagos sa masamang hilig.
Kupkupin mo nama’t ituro ang landas
Ng katahimikan at magandang palad;
Sa pakikibaka’y tapunan ng lingap,
Kaluluwa naming nang di mapahamak.

Bangkang Matibay

Kung gagawa ako ng bangka,
Gagawin kong matibay,
Kung tumaob ma'y di maghihiwalay.

Katotohanan ng buhay:
Hindi sukatan ang tagumpay,
Kundi kung paano sa pagsubok
Humarap at sa pagbangon
Di nawalay.

(GUSTO KO RHYME)

Monday, January 09, 2012

Isang Ala-ala ng aking Bayan

Nagugunita ko ang nagdaang araw
ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito'y naglalagos sa 'king katauhan
lalong sumisigla't nagbabagong buhay


Kung aking masdan ang liryong busilak
animo'y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito'y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat
ang bukang liwayway na nanganganinag
masayang bumabati, may ngiti sa lahat.


Naalaala kong may kasamang lumbay
ang kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama ko'y inang mapagmahal
siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala kong lubhang mapanglaw
bayan kong Kalambang aking sinilangan
sa dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng aking saya't kaaliwan


Di miminsang tumikim ng galak
sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag
Mababakas pa rin yaong mga yapak
na nag-uunahan sa 'yong mga gubat
sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat
ang mga dasal ko'y laging nag-aalab
habang ako nama'y maligayang ganap
bisa ng hanging mo ay walang katulad.


Ang kagubatan mong kahanga-hanga
Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha
sa iyong himlayan ay wala nang luha
wala nang daranas ni munting balisa
ang bughaw mong langit na tinitingala
dala ang pag-ibig sa puso at diwa
buong kalikasa'y titik na mistula
aking nasisinag pangarap kong tuwa.


Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw
dito'y masagana ang saya ko't aliw
ng naggagandahang tugtog at awitin
siyang nagtataboy ng luha't hilahil
Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin
ang katauhan ko'y dagling pagsamahin
tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin
sa pananagana ng bukong nagbitin.


Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat
ako'y magbabantay, walang paghuhumpay
ang kabutihan mo na sa aking pangarap
Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap
ng dakilang Diwa ng maamong palad;
tanging ikaw lamang panatang maalab
pagdarasal kita sa lahat ng oras
na ikaw ay laging manatiling tapat.

Coke! 100 years

Hanapin mo kung ano yung magpapaligaya sa'yo,
Mabilis ang takbo ng panahon,
Wag mong sayangin sa walang kwentang bagay ang buhay mo.

Saturday, January 07, 2012

Pag-aalay kay Selya

Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Yaong Selyang laging pinapanganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ko kayang 'di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

Sa larawang guhit ng sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at 'di mananakaw magpahanggang libing.

Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa lansanga't ngayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.

'di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik
sa buntung-hininga nang ika'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring-langit,
paraiso naman ang may tulong-silid.

Nililigawan ko ang iyong larawan
sa makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do'ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

Nagbabalik mandi't parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Parang naririnig ang lagi mong wika:
"Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama,"
at sinasagot ko ng sabing may tuwa-
"Sa isang katao'y marami ang handa."

Anupa nga't walang 'di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha'y lagaslas,
sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"

Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
Ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluta't langit?

Bakit baga ngayong kami maghiwalay
ay dipa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Selya'y, 'di ka mapaparam.

Itong 'di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, o nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

Selya'y talastas ko't malalim na umid,
mangmang ang Musa ko't malumbay na tinig;
'di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga't isip.

Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop,
tubo ko'y dakila sa pahunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

Masasayang Ninfas sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo'y ang MAR
sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si FB

Friday, January 06, 2012

KS!

"Mangarap
ka
at
abutin
mo.
Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota,
pilay mong tuta,
o mga lumilipad na ipis.
Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo,
pwde kang manisi
at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral,
mag-asawa ka,
mag-drugs ka,
magpakulay ka ng buhok
sa kili-kili.
Sa bandang huli,
ikaw din ang biktima.
Rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili."

PAKPAK!

 Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa
at ako'y lilipad hanggang kay Bathala…
Maiisipan ko'y mga malikmatang
sukat ikalugod ng tao sa lupa;
malikikha ko rin ang mga hiwaga,
sa buhay ng tao'y magiging biyaya.


   Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak
kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat?
Ano ba ang kamay ng taong namulat
kundi siyang pakpak ng kanyang panghawak?
Ano ba ang dahon ng mga bulaklak
kung hindi pakpak din panakip ng dilag?

   Ang lahat ng bagay, may pakpak na lihim,
pakpak na nag-akyat sa ating layunin,
pakpak ang nagtaas ng gintong mithiin,
pakpak ang nagbigay ng ilaw sa atin,
pakpak ang naghatid sa tao  sa hangin,
at pakpak din naman ang taklob sa libing.

   Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa,
at magagawa ko ang magandang tula;
bigyan mo ng pakpak tanang panukala't
malilipad ko hanggang sa magawa;
bigyan mo ng pakpak ang ating adhika,
kahit na pigilan ay makakawala…

   O ibon ng diwa, ikaw ay lumipad,
tingnan mo ang langit, ang dilim, ang ulap,
buksan mo ang pinto ng natagong sinag,
at iyong pawalan ang gintong liwanag,
na sa aming laya ay magpapasikat
at sa inang bayan ay magpapaalpas.

Pain Inside!

Hindi sa lahat ng pagkakataon mapalad ka, minsan swerte minsan malas,
Ang buhay ay may bigat para hindi ka lumutang,
Iyon ang turo ng karanasan,
Kaya kahit mag mukha kang clown kakatawa.

Sigurado sa loob mo, may hinanakit kang dala.

It's Me

HISTORICA

Iginuhit ang kasaysayan hindi upang balik tanawan lamang,
Ang karanasang naging guro ng sinaunang sanlibutan,
Ang sa bagong aral nati'y pinagmulan.

Gaya nga ng bahagi ng nadaanan kong tula,
"Ang nakaraa'y nagdaan hindi upang iyakan,
Nalilingon natin ang likuran para paghandaan
ang hinaharap at ang kasalukuyan."

Game of Life

Tunay nga na ang buhay ay isang laro,
Ngunit hindi patimpalak kung sino'ng mabilis ang takbo.
Ngunit sa isang banda, pwedeng ihanay ang punto,
Sapagkat may mga pagkakataong dapat makipag-unahan,
Mapunan lamang ang pangunahing pangangailangan.

Pinapabilis ng kahirapan at kahinaan ng pagkakapantay-pantay ang takbo ng buhay.

Don't Read

My photo
i am your someone. when you have no one! just listen, and please! don't look at me straight in the eye!